
Mas lalong titindi ang hamon para kay Ibyang (Sienna Stevens) sa The Master Cutter ngayong Linggo!
Kung ang laban noon ni Ibyang ay sa eskwela lamang, ngayon ang school bully niyang si Janine (Ericca Laude) ay eeksena na sa bahay ni Atoy (Dingdong Dantes).
Paano tatanggapin ni Ibyang na ang anak ng kanyang Tatoy si Janine?
Ano-ano ang plano naman ng bully para pahirapan si Ibyang?
Source: The Master Cutter
Samantala, sa isang panayam ng 24 Oras kay Charlie Fleming, ibinahagi niyang sobra siyang impressed sa performance ng kanilang young co-stars niya na sina Sienna at Ericca.
“They are such amazing actors po talaga kahit batang-bata pa po sila," aniya.
Ikinuwento rin niya ang ilan sa kulitan moments nila sa set ng The Master Cutter.
Sabi niya sa "Chika Minute," “Alam n'yo po si Janine na yan, si Ericca, may saltik din talaga yan, prankster talaga 'yan siya sa set. So, kahit kami pinagtitripan [niya kami]. Ako, pinag-trip-an din niya ako magdadala siya ng mga fake rat, fake cockroach 'tapos, ilalagay niya sa gamit ko.”
Don't miss the number one TV series on primetime, The Master Cutter, on GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies at 8:00 p.m.
Get a chance to win prizes by simply watching by joining Kapuso Lucky Numbers of the Day while watching The Master Cutter.
POLL: Choose Atoy's best disguise