
Mukhang may kaagaw si Tonet (Shuvee Etrata) sa guwapo nating bida na si Atoy (Dingdong Dantes).
Kinaaliwan ng netizens ang cute video ng content creator na si Cartz Udal a.k.a. "Malanding Tomboy" sa Facebook kung saan halos matunaw ito habang pinupunasan ang kaniyang pawis ni Dingdong Dantes.
Kuha ang kulit video sa taping ng GMA Prime action series na The Master Cutter na nagsimula nang umere this week.
Source: Dingdong (Facebook)
Makikita na kahit si Dong, tuwang-tuwa sa cute collaboration nila ni Cartz.
Napapanood din ang sikat na content creator sa hit gag show na Bubble Gang.
RELATED CONTENT: Meet our newest Batang Bubble barkada!