
Isang masakit na rebelasyon ang bubulaga kay master tracker Atoy (Dingdong Dantes) tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama na si Delfin!
Sa episode ng The Master Cutter ngayong Huwebes ng gabi, aamin si Paldo (Polo Ravales) na ang taong nagmamaneho ng sasakyang bumangga kay Mang Delfin ay walang iba kung hindi si Red (Paolo Contis).
Pero, mapaglaro ang tadhana dahil ang pinakamamahal din ni Atoy na si Ibyang (Sienna Stevens) masasangkot sa isang aksidente!
Mga master, mauulit kaya ang trahedya sa buhay ni Atoy?
Panoorin ang simulcast airing ng The Master Cutter sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.
RELATED CONTENT: Sienna Stevens: Meet the young star playing Ibyang in 'The Master Cutter'