
Mas matindi ang next episodes ng nangungunang primetime series ng bayan dahil ang The Master Cutter, mapapanood sabay-sabay sa tatlo pang channel!
Masusubaybayan na ng mas maraming manonood ang intense mission ng master tracker na si Atoy (Dingdong Dantes). Tutukan ang hit GMA Prime series simula ngayong gabi, June 29, sa oras na 8:00 p.m. sa GMA at GTV.
May simulcast airing din ang The Master Cutter sa dalawapang channel na Heart of Asia at I Heart Movies.
Mapapasabak sa bagong misyon si Atoy lalo na't sisimulan na niya ang pagtuklas sa totoong mga magulang ni Ibyang.
Sa naging panayam niya sa 24 Oras, may kuwento pa ang multi-awarded actor sa magiging disguise niya sa The Master Cutter.
Lahad niya sa Chika Minute “Ang dami pa niyang mga papasuking mga kung ano-anong disguise. Ako, sobrang 'pak' with multiple level of excitement ika nga. So, hindi lang sa action, may drama, may comedy rin. Siyempre, nandiyan din 'yung suspense, so talagang multi-genre talaga siya na nababagay gabi-gabi.”
RELATED GALLERY: Dingdong Dantes: The remarkable journey of a true Kapuso icon