
Walang duda na mas pinipili ng buong bayan na tutukan ang adventures ni Atoy (Dingdong Dantes) sa primetime.
Sa inilabas na datos ng NUTAM People Ratings, tinalo ng The Master Cutter ang katapat nitong programa.
Noong Lunes, June 29, nakakuha ng 9.5 percent ang GMA Prime series, higit na mataas sa kakumpetensya nito.
Ito rin ang araw na nagkaroon ng simulcast airing ang The Master Cutter sa tatlo pang channel na GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies.
Lalo pang tumaas ang ratings ng primetime soap na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes nitong July 1 na nakakuha ng double digit ratings.
Kaya naman sobrang proud ng buong cast ng The Master Cutter sa mainit na suporta ng viewers sa kanila gabi-gabi.
Source: GMANetwork.com, Paolo Contis (IG), Shuvee Etrata (IG), Prince Carlos (IG)
Para sa mas maraming maaksyong tagpo sa The Master Cutter, nood na sa GMA, GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m..
RELATED CONTENT: The Master Cutter's most irresistible actors