GMA Logo the missing husband
Courtesy: GMA Integrated News
What's Hot

'The Missing Husband' actors, ipinasilip ang iba't ibang emosyon nila sa serye

By EJ Chua
Published June 23, 2023 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

the missing husband


Silipin dito ang ilang naging kaganapan sa pictorial ng 'The Missing Husband' cast.

Game na game na ibinida ng The Missing Husband stars ang kanya-kanyang posing nila sa katatapos lang na pictorial para sa upcoming suspense drama series.

Ang serye ay pagbibidahan nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi, kung saan ito ang kauna-unahang beses na magtatambal sila sa soap opera.

Ilan sa kasama nila Rocco at Yasmien sa serye ay sina Jak Roberto, Joross Gamboa, Sophie Albert, Nadine Samonte, Shamaine Buencamino, at marami pang iba.

Habang nasa pictorial ng series, iba't ibang emosyon ang ipinakita ng cast sa harap ng official photographer at ilang kabilang sa production team ng programa.

Bukod sa kanilang mga emosyon at iba't ibang paandar, kapansin-pansin na perfect din ang kanilang mga kasuotan na tila naglalarawan na sa kanilang roles.

Silipin sa report na ito ang ilang naging kaganapan sa pictorial ng upcoming series:

Sa previous interview ng aktor na si Rocco, binanggit niyang nakaka-relate siya sa istorya ng serye.

Iikot kasi ang kuwento nito sa scam-related issues at buhay ng mga taong naging biktima ng isang scam.

Samantala, mapapanood na ang The Missing Husband ngayong 2023 sa GMA Afternoon Prime.

Sagutan ang poll sa ibaba:

SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY NA ITO: