GMA Logo Rona Bae and Stephanie Joo
What's Hot

The Penthouse Season 2: Ang masamang dinanas ni Rona sa Cheong-ah Arts School | Week 2

By Dianne Mariano
Published September 13, 2021 10:38 AM PHT
Updated September 13, 2021 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire hits residential area in Caloocan City
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Rona Bae and Stephanie Joo


Sa pagbabalik ni Rona sa Cheong-ah Arts School, mapag-iinitan siya nina Camille at Stephanie at gagawin ang lahat para mapaalis ito sa prestihiyosong paaralan.

Sa ikalawang linggo ng The Penthouse 2, labis ang galit ni Scarlet (Kim So-yeon) nang dumalo si Cindy (Eugene) sa reunion party nito at natabunan ang kanyang kinang.

Sa pag-uusap ng dalawa sa parking lot, sinabi ni Cindy na hindi pa siya nagsisimula sa kanyang mga plano para kay Scarlet.

Nagtungo naman ang anak ni Cindy na si Rona (Kim Hyun-soo) sa pamamahay ni Scarlet at nagmakaawa para makapasok siya muli sa Cheong-Ah Arts School. Nangako si Rona na hindi ito gagawa ng gulo sa Cheong-Ah at gusto niya talagang gumraduate sa naturang paaralan.

Ayon kay Scarlet, kailangan daw ni Rona magpasa ng signed pledge mula kay Cindy at susunod na ito sa patarakan ng Cheong-Ah at hindi na gagawa muli ng gulo.

Nagkaharap naman sina Dante (Uhm Ki-joon), Anton Ha (Yoon Jong-hoon), at Scarlet dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng huli kung saan isang larawan ang kumalat na may kasama itong ibang lalaki.

Inamin ni Anton na siya nga ang lalaking nasa litrato at sinabing binati niya lamang ang kanyang ex-wife.

Isa naman sa mga lalaban sa Cheong-Ah ay si Rona kaya naman patuloy ang pagiging masama nina Camille (Choi Ye-bin) at Stephanie (Han Ji-hyun) sa kanya at binuhusan ito ng pulang pintura.

Para tuluyang hindi makasali si Rona sa patimpalak sa pag-awit, ini-lock siya sa loob ng ladies' room kasama si Jennie (Jin Ji-hee) ngunit may isang tao na bumasag sa salamin ng pinto kaya nakalabas ang mga ito.

Nagpaliwanag si Rona sa harap ng judges na ang may sala ay sina Stephanie at Camille ngunit hindi ito pinaniwalaan. Dagdag pa rito, sinabi ni Stephanie na puro kasinungalingan ang lumalabas sa bunganga ni Rona.

Nang humarap sa disciplinary committee sina Rona, Cindy, at Anton, bigla naman pumasok si Jennie at inilahad ang buong katotohanan sa nangyari upang maipagtanggol ang kanyang kaibigan.

Dahil dito, on probation at disqualified na si Stephanie sa Arts Festival at sina Rona at Jennie naman ay makakapag-participate.

Ano kaya ang mga susunod na kaganapan para kay Rona? Patuloy na subaybayan ang The Penthouse 2 mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, muling balikan ang mga eksena sa The Penthouse 2 dito.

The Penthouse 2: Threatened by Cindy's presence | Episode 6

The Penthouse 2: Rona disobeys Cindy | Episode 6

The Penthouse 2: Scarlet's new scandal | Episode 7

The Penthouse 2: Rona against the Cheong Ah students | Episode 7

The Penthouse 2: The university against Rona | Episode 8

The Penthouse 2: Jenny exposes the Cheong-Ah's scandal| Episode 8