GMA Logo The People Have Spoken
What's on TV

'The People Have Spoken' pilot episode, panalo sa ratings!

By Kristine Kang
Published June 9, 2026 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman's caesarian operation in Koronadal postponed due to magnitude-7.8 earthquake
53 exotic wildlife rescued in Sarangani
Miss Universe PH expresses sympathy for earthquake victims

Article Inside Page


Showbiz News

The People Have Spoken


Makisaya tuwing Sabado sa pinakabagong GMA game show na 'The People Have Spoken.'.

Certified winner ang Saturday nights ng mga Kapuso sa pinakabagong original game show ng GMA, na The People Have Spoken.

Noong Sabado (June 6), masayang nakibahagi ang People sa pilot episode ng high-energy game show.

Marami ang nag-enjoy sa pakikipagkuwentuhan kasama ang newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.

Nadagdagan pa ang saya at mga candid na opinyon sa kulitan ng unang celebri-peep pair na sina Baus Rufo at Joy Barcoma.

Mula sa studio hanggang sa mga manonood sa bahay, agad na pinusuan ng netizens ang pilot episode sa iba't ibang social media platforms.

Sa katunayan, panalo rin ang The People Have Spoken sa telebisyon na may 5.7 percent na rating batay sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating nitong weekend!

Huwag palampasin ang saya at kuwentuhan kung saan ang "POV mo, panalo!"

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available din ang full episodes sa GMANetwork.com at YouLOL official pages.

Balikan ang fun moments sa The People Have Spoken pilot episode sa gallery na ito: