
Cute at exciting ang Monday showdown sa Family Feud dahil batang players ang sasabak sa hulaan.
Magtatapat ngayong July 27 ang The PPop Kids at The Born Performers sa isang masaya at puno ng energy na labanan.
Ipakikita ng The PPop Kids ang combination ng creativity at confidence. Mapapanood sa kanilang team sina Kendra Garcia, isang content creator, at Halleyah Militar, ang confident na titleholder ng "Miss United Nations.” Kukumpleto sa grupo sina Asiya Ignacio, na kilala sa husay sa academics; at Zooey Abacial, na may talento sa painting.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Hindi naman pahuhuli ang The Born Performers pagdating sa talento at sigla. Bitbit ni Jacob Cawagdan ang kanyang focus bilang gamer, habang ipakikita naman ni Janine Roman ang natutuhan niya sa ballet at karate. Samantala, sina Khyrus del Rosario at Chloe Paredes ay magdadagdag ng charm sa grupo sa pamamagitan ng kanilang hilig sa baking at performing.
Fun at entertaining na laban ang aabangan sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 27, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.