GMA Logo the romantic doctor 2
What's Hot

The Romantic Doctor 2: The medical secret of Master Kim's team

By Dianara Alegre
Published March 25, 2021 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: March 18, 2026
GMA Network Radio Stations Reaffirm Leadership in Mega Manila for February 2026
Much-awaited Manila Marathon will take over EDSA for historic race route in June

Article Inside Page


Showbiz News

the romantic doctor 2


Matutuklasan ng Doldam Hospital medical team ang injury ni Master Kim.

Ilang buwan na pa lang iniinda ni Master Kim ang sakit niya at walang nakakaalam ng tungkol dito kundi ang kaibigan niyang doktor na hindi niya katrabaho sa Doldam Hospital.

Pero dahil sa likas na mapag-obserba si Dr. Wesley So, napansin niyang may nararamdaman si Master Kim sa wrist o pulso niya.

Hindi niya kaagad binigyan ng atensyon ang napansin dahil wala namang kahit anong sinasabi si Master Kim tungkol sa kondisyon niya.

Wesley So

Hanggang isang araw ay nadiskubre ni Wesley na hindi isang simpleng pananakit ng pulso lamang ang maaaring inililihim ng premyadong doktor.

Dahil dito, nagsimula siyang mag-imbestiga para na rin matulungan si Master Kim. Sinabi niya rin ito kay Dr. Emily Cha at sa iba pa nilang kasamahan sa Doldam.

Naging bahagi ng usapan nila ang diagnosis nila sa injury ni Master Kim, ang maaaring surgery na gawin niya, pati na rin kung ilang araw o linggo ang kanyang recovery period.

Alam nilang marami ang pwedeng mangyari sakaling malaman ng team ni Dr. Miguel Park ang tunay na kondisyon ni Master Kim kaya nagpasya silang ilihim muna ito.

Hindi pa rin naman sila sigurado sa kanilang mga diagnosis at base lamang ito sa kanilang obserbasyon. Hindi pa rin nila ipinararating dito na may alam sila sa sakit niya.

Samantala, sa araw ring iyon nakatanggap ng emergency call ang team mula kay Master Kim. May bus roll-over 'di kalayuan sa ospital at pinaghahanda niya ang mga ito sa bugso ng mga pasyente.

Pero ang mas ikinagulat ng lahat, sakay din sa naturang bus si Master Kim.

Master Kim

Maswerte si Master Kim na hindi napuruhan sa aksidente ngunit marami ang malala ang kondisyon at kinakailangang mabigyan ng first aid.

Matapos suriin ang mga taong naipit sa loob ng bus, pinapunta nin Master Kim sina Dr. Wesley at Dr. Emily sa lugar ng akdisente. Agad namang kumilos ang dalawa patungo sa lugar.

Dahil sa naganap na aksidente, naging mabagal ang daloy ng trapiko kaya minabuti ng dalawa na bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa lugar ng pinangyarihan.

Bukod sa kanilang tatlo, naroroon din pala si Dr. Miguel sa area na malapit sa aksidente, sakay ng kanyang sasakyan, kaya lumapit din siya roon para makita ang mga kaganapan at tumulong.

Dr Miguel Park

Ngunit nang malaman niyang isa si Master Kim sa mga injured na pasahero ng bus ay biglang nagbalik sa kanyang alaala ang nakaraan - ang unang pagkikita nila ni Master Kim.

Subaybayan ang The Romantic Doctor 2 gabi-gabi, 10:20 p.m., sa GMA Network.

Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Romantic Doctor 2 sa gallery na ito: