GMA Logo the sanggre experience
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

'The Sang'gre Experience,' dinumog ng fans!

By Aimee Anoc
Published July 21, 2025 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

the sanggre experience


Avisala Eshma sa suporta, mga Kapuso at Encantadiks!

Hindi pinalagpas ng fans ang pagkakataon na maranasan ang ganda ng mundo ng Encantadia sa ginanap na fan event, ang The Sang'gre Experience, kahapon, July 20, sa Gateway 2, Quantum Skyview, Araneta City.

Masayang binisita ng Encantadiks ang kaharian ng Lireo, Adamya, Sapiro, at Hathoria. At, nag-enjoy rin ang lahat na bumili at makakuha ng exclusive Sang'gre merchandise at iba pang freebies.

Dagdag pa sa excitement, nakisaya ang ilang cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, na pinangunahan ng new-gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.

Kasama rin sa mga nagbigay saya sa fans sina Shuvee Etrata, Bianca Manalo, Jon Lucas, Luis Hontiveros, Kiel at Viel Gueco, at Gabby Eigenmann.

Nagkaroon din ng chance ang mga dumalo na makita nang live ang Kera ng Mine-a-ve na si Mitena, na ginagampanan ni Rhian Ramos; at ang Hara ng Lireo na si Cassandra, na ginampanan ni Michelle Dee.

Nagbigay kasiyahan din ang iconic character ng Encantadia na si Nunong Imaw, na kinagiliwan ng fans.

Cast of Encantadia Chronicles Sang gre

Photo by: Michael Paunlagui

"Sobrang nakakagulat na ganitong karaming tao 'yung pumunta rito para makita kaming mga Sang'gre at 'yung iba pang karakter sa Encantadia Chronicles: Sang'gre," pahayag ni Angel Guardian sa interview ng GMANetwork.com.

"Talagang nakakatuwa lang na malaman or mas maramdaman in person 'yung init ng pagtanggap nila... Talaga namang maraming salamat po sa Encantadiks diyan. Thank you," dagdag niya.

Ayon kay Bianca, dapat na abangan ang mga susunod na mangyayari sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, lalo na't nagising na ang kapangyarihan ni Terra (Bianca Umali).

"Maraming-maraming [dapat abangan] dahil ilang linggo pa lamang kami at nagsisimula pa lang ang istorya. Pero mapapangako namin na napakarami pang mga matitinding pangyayari na dapat abangan," ani Bianca.

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: