
Kinaaaliwan ngayon ng fans ang behind-the-scene kulitan nina Michelle Dee at Rhian Ramos sa set ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Suot ang kanilang costumes bilang Cassandra at Mitena, hinarap ni Michelle si Rhian sa isang nakatutuwang "digmaan" sa harap ng trono ng Lireo.
Nagsimula ang video na tila susugurin nina Michelle at Rhian ang isa't isa, hanggang sa naglaro na ng bato bato pik ang dalawa kung saan nanalo si Michelle at nakangiting umupo sa kanyang trono.
"Isang tagumpay na dapat itala sa kasaysayan!" caption ng beauty queen sa kanyang post
"Puwede ba, ganito na lang ang digmaan? 'Yung tipong walang kailangang mamatay?" dagdag ni Michelle.
@mmd Isang tagumpay na dapat itala sa kasaysayan!! 👋🏼❤️🔥✌🏻 Puwede ba, ganito na lang ang digmaan? 'Yung tipong walang kailangang mamatay? ☠️ #mitena #cassandra #rhianramos #michelledee #mmd #sanggre #encantadia ♬ original sound - Encantadia: Sang'gre
Sa comments section ng TikTok post na ito ni Michelle, marami ang naaliw sa dalawang aktres.
Sa Sang'gre, gumaganap si Michelle bilang Hara Cassandra, ang kasalukuyang reyna ng Lireo, habang napapanood si Rhian bilang Mitena, ang Kera (reyna) ng Mine-a-ve, na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
Abangan sina Michelle Dee at Rhian Ramos sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: