
Very sexy si Andrea Torres ngayong summer. Ano nga ba ang sikreto ng Kapuso actress?
Aniya, continuous na pagpunta sa gym ang dahilan kaya fit ang aktres. Sabi ni Andrea, "Parang lifestyle na rin, eh. Hahanapin na rin siya ng katawan mo, eh. Kung meron mang beach trip or wala, feeling ko parang part na talaga ng everyday [routine] ko na may activity ako, may workout ako."
Kasama rin sa routine niya ang magbuhat sa gym. Paliwanag niya, "Ngayon kasi parang lumalakas na 'yung likod ko ulit, eh. Medyo nakakabalik-balik ako sa buhat ko. 'Yung usual na ginagawa ko talaga."