GMA Logo Xyriel Manabat, Esnyr
Source: 24 Oras
What's on TV

'The Secrets of Hotel 88' cast, marami pang hindi alam na sikreto tungkol sa kanilang serye

By Kristian Eric Javier
Published February 24, 2026 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Urban advantage falls short: NCR cities show high rates of struggling readers
Mga permanente nga balaligyaan sa Bacolod City Economic Highway, kakason | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Xyriel Manabat, Esnyr


Bukod sa mga sikreto, dapat din umano abangan ang buong kuwento ng 'The Secrets of Hotel 88' ayon kina Xyriel Manabat at Esnyr.

Sa kabila ng mga nalalamang sikreto sa upcoming collaboration series na The Secrets of Hotel 88, aminado ang cast members na sina Xyriel Manabat at Esnyr na marami pa rin silang hindi alam tungkol sa serye.

Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, February 23, inamin nina Xyriel at Esnyr na ibang-iba ang karanasan nila bilang castmates kumpara noong housemates pa lamang sila.

"Hindi na po ito bahay lang ni Kuya, hotel po ito and at the same time, marami po kaming mga makakasama papong mga senior or veteran actors and actresses," sabi ni Xyriel.

TINGNAN ANG ILAN SA MGA BEHIND-THE-SCENES SA SET NG 'THE SECRETS OF HOTEL 88' SA GALLERY NA ITO:

At dahil ongoing pa rin ang taping, kahit silang mismong cast, marami pang hindi alam na sikreto tungkol sa serye. Ayon pa nga kay Esnyr, more than secrets, stories ng Hotel 88 ang dapat abangan ng mga manonood sa kanilang serye.

“Ito 'yung interesting about it kasi hindi mo alam kung ilan 'yung sikreto,” sabi ng aktor.

Sa katunayan, hinamon pa nina Xyriel at Esnyr ang mga manonood, “We challenge you na bilangin ang mga sikretong ibubulgar namin.”

Napapanood na ngayon sa iWant TV ang The Secrets of Hotel 88, at mapapanood naman ito sa GMA Prime ngayong March 2.

Pinagbibidahan ito ng former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Dustin Yu, Bianca De Vera, at Will Ashley.

Panoorin ang panayam kina Xyriel at Esnyr dito: