
Kung ang trailer ng The Secrets of Hotel 88 ay nababalot ng misteryo, drama, at seryoso ang kuwento, sinigurado naman ng mga bida nitong hindi pa rin mawawala ang kilig sa serye.
Sa panayam ni Aubrey Carampel kina Mika Salamanca, Josh Ford, River Joseph, at Bianca de Vera para sa 24 Oras, sinabi nilang may makikita pa ring kilig at kaunting love story sa kabila ng mystery at seryosong serye nila.
"We're very happy na at least interesado sila at ibig sabihin, hinihintay din nila 'yung story talaga, and curious sila kung ano talaga 'yung mangyayari or kung gaano katama 'yung theories nila," sabi ni Mika.
Sinabi rin ni Mika na maraming MikBrent moments sa serye, at idinagdag na makakapanood din ng moments nilang lahat.
Sabi naman ni Josh, "You'll see, opo, meron talaga. There's a bit of romance sa kwento."
Tuloy din ang love triangle nina Bianca, Will Ashley, at Dustin Yu sa serye, na una nang kinakiligan ng fans sa Metro Manila Film Fest entry nila na Love You So Bad. Sa katunayan, excited na nga si Bianca dahil ibang karakter naman ng kaniyang mga leading men ang nakilala niya dito.
"It's so different from who they are in real life and from who they portrayed in our last movie together. Ang dami kong nakikitang versions nila," pag-amin ni Bianca.
BALIKAN ANG RED CARPET MOMENTS NG THE SECRET OF HOTEL 88 CAST SA KANILANG MEDIA CON SA GALLERY NA ITO:
Ngunit hindi lang ito ang love triangle na mapapanood ng mga tao dahil makaka-love triangle din ni River sina AZ Martinez at Ralph de Leon. Pag-amin pa ng aktor, aliw siya sa kay AZ sa kanilang mga eksena.
"Hindi ko alam kung umaarte ba 'to o siya ba 'to? I think since I was able to become duos with AZ and we became friends, when we got to the set, 'yung when we're right in front of the camera, for me, it was easy," sabi ni River.
Soon ay makikilala na rin ang iba pang cast ng The Secrets of Hotel 88, ang pangalawang collaboration sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN Studios na ipalalabas na sa GMA Prime ngayong March 2, 9:35 pm. Isi-stream din ang serye sa iWantTV.
Panoorin ang panayam kina Mika, Josh, River, at Bianca dito: