GMA Logo The Skywatcher Week 6
What's Hot

The Skywatcher: Ang pagdududa ni Zandro kay Bryan | Week 6

By Jimboy Napoles
Published July 20, 2022 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 31, 2025
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher Week 6


Si Bryan nga ba ang tunay na kalaban nina Zandro at Lady Meng?

Sa ikaanim na linggo ng The Skywatcher, nag-umpisa nang magduda si Zandro sa katauhan ni Bryan.

Nagulat si Zandro nang malaman niyang naaalala pa rin ni Bryan ang ilan sa mga pangyayari sa kanyang buhay na binura na noon ni Zandro, pero mariin itong itinanggi ni Bryan.

Hindi rin sila makapaniwala sa biglaang pagkamatay ni Gerard sa lugar kung saan naroon sina Bryan at Lulu kung kaya't mas tumindi ang pagdududa ni Zandro.

Sa kabilang banda, masama rin ang kutob ni Lady Meng kay Lulu sa muli nilang pagkikita dahil ito ay tila sinasapian ng isang dark figure mula sa kanyang nakaraan.

Isang mensahe naman ang ipinadala ni Big Boss kay Zandro sa pamamagitan ng isang Fox Fairy kung kaya't sumagi sa isip ni Zandro na maaaring si Big Boss at Luchi ay iisa, ang taong pumatay kay Zandro sa kanyang past life.

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: