GMA Logo The Skywatcher Week 1
What's Hot

The Skywatcher: Ang paghihiwalay nina Zandro at Lady Meng | Week 1

By Jimboy Napoles
Published June 16, 2022 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Inuman sa labas ng mga bahay at maiingay na muffler ng mga motor, ipinagbabawal sa Tondo
Firecrackers hurt 46 in W. Visayas, Negros Island
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher Week 1


Ang simula ng pagsubok nina Zandro at Lady Meng.

Sa unang linggo ng The Skywatcher, ipinakilala na ang mga karakter nina Zandro at Lady Meng.

Isang tagapangalaga ng kaayusan sa pagitan ng mga kaluluwa at mga tao si Zandro habang isang masipag na tagapangasiwa naman sa tulay ng pagkalimot si Lady Meng.

Maayos naman sana ang pagsasama ng dalawa dito hanggang sa isang ligaw at masamang kaluluwa ang nanggulo sa tulay ng pagkalimot.

Sinaksak nito si Zandro ngunit hindi naman ito nasaktan, kaya pinuntirya niya si Lady Meng. Dahil sa panggugulo ng masamang kaluluwa, nabuksan ang mga pinto papunta sa mundo ng mga tao.

Tinangay ng masamang kaluluwa si Lady Meng sa lagusan, nahawakan pa ni Zandro si Lady Meng pero kusa na itong bumitaw sa kanya dahil nakita nitong nagdurugo na ang kamay ni Zandro sa pagkapit sa kanya.

Magmula noon, namuhay na si Lady Meng sa mundo ng mga tao bilang si Claire at nakalimot na siya sa kanyang nakaraan pero ang kanyang kakayahan na makakita ng kaluluwa ay nanatili pa rin.

Dahil sa pagmamahal kay Lady Meng, sumunod si Zandro sa mundo ng mga tao bilang si Adam. Ngunit nang makita niya si Lady Meng ay hindi na siya nito maalala.

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

Samantala, kilalanin pa ang cast ng The Skywatcher, sa gallery na ito: