GMA Logo The Witchs Diner
What's Hot

The Witch's Diner: The diner is closing! | The Finale

By EJ Chua
Published June 17, 2022 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 25, 2025 [HD]
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Witchs Diner


Ano nga ba ang mga dapat abangan sa huling gabi ng 'The Witch's Diner?' Alamin dito:

Sa huling gabi ng The Witch's Diner, magsasara na ang restaurant ng witch na si Hera (Song Ji-hyo).

Ngunit bago ang pagtatapos ng dark fantasy drama series na ito, ilang mga kapana-panabik na eksena ang dapat abangan ng mga Kapuso.

Mula sa last wish ni Jinny (Nam Ji-hyun) na ilalaan niya para makapaghiganti sa lalaking nanloko sa kaniya, hanggang sa kung ano talaga ang buhay na itinakda para sa dalaga.

Kaabang-abang kung ano ang hihilingin ni Jinny sa witch na si Hera.

Jinny's final wish

Magtatagumpay kaya sila sa kanilang mga plano na guluhin ang buhay ni Charles?

Tatanggapin kaya ng dalaga ang magiging kapalit ng kaniyang huling kahilingan?

Hindi rin dapat palampasin ang mga nakakakilig na tagpo sa pagitan nina Jinny at Leo.

Sila nga kaya ang itinadhana para sa isa't isa?

Sabay-sabay nating subaybayan ang mga huling kaganapan sa The Witch's Diner, mamayang 10:35 p.m., dito lang sa GMA-7

Samantala, kilalanin ang cast ng dark fantasy drama series na The Witch's Diner sa gallery na ito: