
Sa ika-anim na linggo ng The Wolf, muling magtutunggali ang dating magkaaway na si Yao Ji at Prinsipe Chu You Wen.
Simula ng nalaman ng emperador na alam na ni Ma Zhai Xing ang tunay na pagkatao ni Prinsipe Chu You Wen, pinaalis nito ang prinsipe sa palasyo upang matuklasan kung pagtataksilan siya ng prinsipe. Sa kabutihang-palad, pumasa sa pagsubok na ito si Prinsipe Chu you Wen.
Pinadala ng emperador si Yao Ji kay Ma Zhai Xing upang mabigyan nito ng lunas ang karamdamang iniinda nito. Ngunit hindi lunas ang hatid ni Yao Ji sa napinsalang tuhod ni Ma Zhai Xing.
Pagkaraan ng ilang taong hindi pagkikita, muling nagkaharap si Prinsipe Chu You Wen at si Yao Ji. Malamig ang pakikitungo ng dalawa sa isa't-isa, lalo na dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawa mula sa nakaraan nilang pagtutunggali.
Nahulog sa bitag ni Yao Ji si Prinsipe Chu You Wen dahil sa kagustuhan nitong malunasan ang karamdaman ni Ma Zhai Xing. Gamit ang alam niya sa mga kahinaan ni Prinsipe Chu You Wen, nagawang maloko ni Yao Ji ang prinsipe.
May nahagilap na liham ang emperador na maaaring magtanim ng pagdududa sa isip ni Ma Zhai Xing tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Ginamit ni Yao Ji ang pagkakataong ito upang sabihin sa emperador na patayin na lamang si Ma Zhai Xing upang malutas ang problemang kinakaharap niya.
Salamat kay Wen Yan, nabaliktad ang kapalaran ni Yao Ji. Imbes na magtagumpay ang kanyang balak laban kay Prinsipe Chu You Wen, siya ngayon ang nahaharap sa imbestigasyon mula sa emperador mismo, na natuklasan na siya ang nagsulat ng liham na nagbigay ng duda kay Ma Zhai Xing tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.
Ang matapat na alagad ni Prinsipe Chu You Wen na si Wen Yan ay nakaratay dahil sa ginawa nitong sakripisyo upang malinis ang pangalan ng prinsipe. Lahat ng alagad ng prinsipe ay naghahangad na magpatuloy ang relasyon ng prinsipe at ni Ma Zhai Xing dahil nakikita nila ang kabutihang naidudulot nito.
Pinaalam na ng emperador ang tunay na rason kung bakit may sama ng loob siya sa hukbo ng Ma, at ang katotohanang ito ay mabigat ang dating kay Prinsipe Chu You Wen.
Patuloy na abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.