GMA Logo thea tolentino
What's Hot

Thea Tolentino, kinaaliwan sa 'Take Me to Banaue'

By Nherz Almo
Published February 12, 2024 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH wins two golds in Karate One Youth League
Group challenges XU’s claims on Manresa project
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

thea tolentino


Timeout muna sa pagtataray si Thea Tolentino para magpatawa sa 'Take Me to Banaue.'

Standout ang katatawanang hatid ni Thea Tolentino sa romatic movie na Take Me to Banaue, na pinagbibidahan ng model-actress na si Maureen Wroblewitz at American actor Brandon Melo.

“For a change, hindi ako kontrabida,” sabi ni Thea ng makapanayam siya ng GMANetwork.com sa special screening ng pelikula noong Sabado, February 10, sa Shari-La Plaza Mall, Mandaluyong City.

Patuloy niya, “Dito sa movie na ito, kakaiba sa mga ginawa kong roles. Kasi, usually kontrabida ang roles ko, very serious yung mga roles ko. Dito sa Take Me to Banaue, I explored the comedic side of acting ko.

“Sobrang nagulat din ako kasi off-cam tumatawa rin yung mga [staff]. Kaya parang naging fun din ang taping kahit papaano.”

Bagamat nasubukan na niya ang pagko-comedy, sabi ni Thea, “Kumportable pa rin ako sa pagtataray. Medyo kabado pa rin ako kasi kapag comedy kasi may timing. Ako, alam ko sa sarili ko na wala akong timing.”

Gayunman, handa pa rin daw si Thea na gumawa ng comedy project.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Dahil din sa pelikula, nakapunta sa Amerika si Thea para sa screenings nito.

“Parang may sampung screenings and tatlo yung napuntahan ko,” sabi ni Thea.

“Sobrang saya ko kasi first time ko lang din mag-US. Iba yung pagtanggap din ng mga kababayan natin sa US kasi nami-miss nila yung Pilipinas. Tuwang-tuwa sila na napapanood nila sa big screen yung Pilipinas.”

Ang Take Me to Banaue ay mapapanood na online simula ngayong February 12.

Samantala, patuloy na napapanood si Thea sa GMA Afternoon Prime series na Makiling, na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.