GMA Logo Thea Tolentino
What's on TV

Thea Tolentino, magiging mapangahas sa seryeng Makiling

By Jimboy Napoles
Published October 20, 2023 6:25 PM PHT
Updated December 14, 2023 12:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Naghahanda na si Thea Tolentino para sa kaniyang malalaking eksena sa bagong serye na 'Makiling.'

Magbabalik-teleserye na ang Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino sa upcoming mystery revenge drama series na Makiling, na pagbibidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Sa kaniyang comeback kontrabida role, hindi lang daw mga intense na bardagulan at tarayan ang pinaghahandaan ni Thea kung 'di pati ang iba pang mga malalaking eksena gaya ng pagsabak niya sa daring scenes.

BALIKAN ANG KAGANAPAN SA FIRST MEETING NG MAKILING DITO:

Kaugnay nito, excited na rin ang aktres para sa kaniyang karakter sa nasabing serye.

Aniya, “Kinakabahan ako and, at the same time, excited. Noong nabasa ko 'yung script, gandang-ganda ako sa pagkakasulat, ang sarap bitawan ng mga linya.”

Tanging hiling lamang umano ng aktres ay bigyan siya ng oras upang paghandaan ang kaniyang gagawing mga mapangahas na eksena.

“Pero may mga eksenang dapat akong paghandaan. Nag-request ako kay Direk Rado [Peru] na sabihan ako in advance kung kailan siya ite-tape dahil mapapalaban ako dito,” sabi ng aktres.

Matatandaan na huling napanood si Thea sa tinaguriang 2022 most-watched TV show in the Philippines na Lolong at sa GMA-Regal Entertainment collaboration series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Samantala, bukod sa Kapuso couple na sina Derrick at Elle makakasama rin ni Thea ang iba pang Kapuso stars na sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Magsisimula na ngayong linggo ang taping ng pinakamainit at tiyak kahuhumalingang mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime sa 2024, ang Makiling.

Ito ang unang handog at pasabog ng GMA Public Affairs sa mga manonood.