GMA Logo Thea Tolentino
Photo by: theatolentino (IG)
What's Hot

Thea Tolentino, may bagong proyektong pinaghahandaan

By Aimee Anoc
Published December 29, 2022 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 19, 2025 [HD]
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Kasalukuyang napapanood si Thea Tolentino bilang Dahlia Chua sa GMA primetime series na 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.'

Sa loob ng 10 taon, nananatiling proud at loyal Kapuso si Thea Tolentino matapos na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center noong Nobyembre.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Thea ang saya at pasasalamat sa magagandang roles na ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso network.

"Syempre, sobrang happy. Actually this is my 10th year with Sparkle, dati [GMA] Artist Center pa," sabi ni Thea.

Dagdag niya, "Sobrang happy ako kasi ang gaganda lahat ng naibibigay sa aking projects and it's always a delight working with everyone kasi parang family na rin talaga. Sobrang happy ako na mayroon pa akong more years with Sparkle."

Sa ngayon, excited si Thea para sa mga upcoming project na gagawin sa GMA. Ayon sa aktres, mayroon ng bagong proyektong sinabi sa kanya. Aniya, "Sabi nila mag-start ng taping by February, hopefully matuloy na. And it's something na nakaka-excite kasi mayroon ulit akong makakatrabaho na talagang nakasama ko rin nang matagal."

Samantala, subaybayan si Thea bilang Dahlia Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

MAS KILALANIN SI THEA TOLENTINO SA GALLERY NA ITO: