GMA Logo Thea Tolentino
What's Hot

Thea Tolentino, paboritong eksena ang sampal ni Gladys Reyes

By Dianara Alegre
Published July 11, 2020 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in DueƱas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Isa sa mga iniidolong artista ni Thea Tolentino ang aktres na si Gladys Reyes.

Ibinahagi ng aktres na si Thea Tolentino isa ang beteranang aktres na si Gladys Reyes sa mga iniidolo niya pagdating sa pag-arte.

Mas napatunayan niya ang galing nito nang magkatrabaho sila sa seryeng Madrasta na pinagbibidahan niya kasama sina Arra San Agustin at Juancho Trivino.

Bumisita si Thea sa Wowowin nitong July 10 at ibinahagi niya kay Willie Revillame na isa si Gladys sa mga hinahangaan niyang artista sa industriya. Binanggit din niya ang paborito niyang eksena kasama ito.

“Isa na du'n si Ate Gladys Reyes. May favorite akong eksena naming ni Ate Gladys nitong huli sa Madrasta. Wala kami masyadong dialogue, mata lang sa mata, tapos sinampal niya lang ako. As in puro galit lang.

“Nakulong ako kasi nagnakaw ako ng PhP 90 million. Tapos binisita niya ako sa kulungan tapos akala ko, anak niya 'yung bumista sa 'kin. Tapos pagdating, nakita niya, sampal,” aniya.

Behind-the-scenes: Thea Tolentino, nagpapasalamat sa natikmang malakas na sampal mula kay Gladys Reyes

Gladys Reyes is Thea Tolentino's kontrabida idol

Elizabeth VS. Katharine. 😈 Intense scenes today! Namiss kong masampal ng ganon! So grateful na nakakatrabaho ko ang mga mahuhusay na beteranang aktres gaya ni ate @iamgladysreyes. Ang dami kong natututunan kada taping. ❤️ Love you ate. 😘 . 👉 Swipe right to watch the raw sampalan scene. 👉 #MADRASTA #MadrastaTheClash

A post shared by Thea Tolentino テーア (@theatolentino) on

Samantala, dahil sa pagiging epektibong kontrabida ay natanong naman ni Willie kung nakatatanggap ba siya ng hate mula sa fans ng mga bida na inaapi niya sa mga serye.

“In fairness naman napaghihiwalay nila 'yung…hindi sila nagagalit sa akin as Thea. Nagagalit sila as my character. Tapos at the end of the day, sinasabi nila, 'Kahit naiinis ako sa 'yo sa 'Madrasta,' love pa rin kita,” aniya pa.

Hindi maitatanggi na si Thea ang naging go-to kontrabida actress ng Kapuso network dahil ilang proyekto na rin ang natanggap niya kung saan kontrabida ang kanyang ginampanan.

Panoorin ang buong Wowowin episode na ito: