
Kasabay ng pagbabalik ng First Yaya sa television at online, may pa-throwback si Thia Thomalla tungkol sa set ng hit drama series.
Ibinida ni Thia sa isang Instagram post ang old photos at memories na nakolekta niya, kung saan makikita ang bonding moments at group photos nila ng kanyang co-stars.
Ipinasilip niya rin ang iba't ibang looks ng kanyang karakter sa serye na si PSG Val, isang fierce na presidential security officer.
Kakabit naman ng photos ang heartfelt caption ng aktres tungkol sa reaksyon niya ngayong nagbalik ang serye.
Sulat niya, “Re-airing First Yaya... @gmanetwork @gmadrama. I hope that even just for a little while, First Yaya will bring light to your days and make all the heaviness of our everyday lives feel a little lighter again.”
Kasunod nito, inalala niya ang moments nila noon sa set ng serye na talagang hanggang ngayon ay itine-treasure niya.
“Thank you for giving First Yaya another home in your hearts,” pahabol niya.
Samantala, subaybayan ang love story ng pretty yaya at ang pogi president na ginagampanan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Related gallery: KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion at iba pang bida ng 'First Yaya'
Mapapanood ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. naman sa GTV.