GMA Logo jo berry acting award
What's Hot

Throwback Thursday: Jo Berry's first acting award

By Marah Ruiz
Published April 23, 2020 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

jo berry acting award


Alam niyo bang nakuha ni Jo Berry ang kauna-unahan niyang acting award dahil sa 'Onanay?'

Nakamit ni Kapuso actress Jo Berry ang kanyang first ever acting award habang gumaganap sa hit GMA Telebabad series na Onanay.

Hinirang siya bilang Most Promising Female Star For Television sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Ginanap ito noong March 24, 2019 sa Star Theater, CCP Complex, Pasay City.

Lubos ang pasasalamat ni Jo sa mga manonood ng Onanay at sa mga taong nagtiwala sa kanya.

"Dahil po ito sa pagmamahal nyo sa akin! Thank you Lord! Maraming salamat po sa bumubuo ng 50th Box Office Entertainment Awards sa GMA na nagbigay sa akin ng oportunidad, sa pamilya at mga kaibigan ko na laging nakasuporta, sa Onanay fam at sa lahat po ng buong pusong tumanggap kay Onay. Mahal ko po kayo!" sulat niya noon sa kanyang Instagram account.

Dahil po ito sa pagmamahal nyo sa akin! Thank you Lord! Maraming salamat po sa bumubuo ng 50th Box Office Entertainment Awards sa GMA na nagbigay sa akin ng oportunidad, sa pamilya at mga kaibigan ko na laging nakasuporta, sa Onanay fam at sa lahat po ng buong pusong tumanggap kay Onay. Mahal ko po kayo! 😊

A post shared by Jo Berry (@thejoberry) on

Matapos ang Onanay, sumabak naman si Jo sa una niyang pelikula na Kiko en Lala, kung saan mayroon siyang supporting role.

Matapos nito, bumalik siya sa primetime sa seryeng The Gift kasama si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Unang umere sa GMA Telebabad ang Onanay mula August 6, 2018 hanggang March 15, 2019.

Muli itong napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime bilang bahagi ng espesyal na enhanced community quarantine programming ng GMA.

Patuloy na tumutok sa Onanay, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.