
Ilang pagkilala ang nakuha ng TiktoClock at ng mga hosts nito sa 8th Outstanding Men and Women of the Philippines 2025.
Ang 8th Outstanding Men and Women of the Philippines 2025 ay ginanap noong November 29 sa Music Museum sa San Juan City.
Kinilala ang Kapuso morning variety show na TiktoClock na Philippine Outstanding Brand for Television Variety Show of the Year. Kabilang sa programang ito sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Faith Da Silva, Jayson Gainza, Herlene Budol, at Michael Sager.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Isang parangal din ang natanggap ng singing contest na "Tanghalan ng Kampeon" bilang Philippine Outstanding Brand for TV Singing Contest of the Year.
Nakatanggap naman ng awards ang hosts ng TiktoClock na sina Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, at Michael Sager.
Si Kuya Kim ay pinarangalang Best TV Host samantalang si Faith ay tinanghal na Best TV Variety Game Show Host. Kilala naman si Michael bilang Outstanding Young Man of the Year.
Sa isang Instagram post ay nagpasalamat si Kuya Kim sa kanilang natanggap na awards sa TiktoClock.
"Thank you to jurors of #philippineoutstandingbrandoftheyear for the recognition for @tiktoclockgma #tanghalanngkampeon and yours truly! Lalo po naming huhusayan!"
Congratulations, TiktoClock!
Patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA at sa GTV.