GMA Logo TikToker Paolo Velasquez
Courtesy: @jumpingembalmer (TikTok), Unang Hirit
What's Hot

TikToker na si Paolo Velasquez, paano nagsimula bilang embalsamador?

By EJ Chua
Published October 29, 2024 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BuCor denies scabies outbreak at NBP, other prison and penal farms
Atom Araullo on doing documentaries: "It's a collaboration"
Alleged rebel nabbed for slay of MisOr ex-brgy exec

Article Inside Page


Showbiz News

TikToker Paolo Velasquez


Bumisita ang viral Embalsamador TikToker na si Paolo Velasquez sa 'Unang Hirit.'

Isang TikToker ang nakikilala ngayon sa social media dahil sa kanyang mga kakaibang content.

Siya si Paolo Velasquez, isang proud embalsamador. Ilang videos niya sa TikTok ang pinag-uusapan ngayon, kung saan mapapanood na usapang patay at bangkay ang kanyang content.

Bago ang nalalapit na paggunita sa Undas, naimbitahan si Paolo sa Unang Hirit. Sa pagbisita niya rito, ikinuwento niya ang ilang detalye kung paano siya nagsimula bilang embalsamador ng mga bangkay.

Ayon kay Paolo, family business nila ang pag-eembalsamo kaya naman bata pa lang ay interesado na talaga siya rito. Pahayag niya, “I really like seeing the crew doing it. Accidentally, I went to a room and morgue pala siya. I saw everything and doon na po nag-start lahat.”

Ibinahagi rin ni Paolo ang iba't ibang mga karanasan niya bilang isang embalsamador, “There are things… sa room mismo na nahuhulog, 'yung mga ganon.” Dagdag pa niya, “Then may instances na 'yung comfort room namin sa office, nagpa-flush mag-isa, ako lang nandoon. 'Yung crew namin din they know.”

Bukod dito, inilahad din ni Paolo ang ilan pang mga bagay tungkol sa kanyang trabaho bilang embalsamador.

Naging licensed embalmer si Paolo noong 2008 at siya ay isang topnotcher sa exam.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang mahigit 261,000 followers at 4.4 million likes sa video-sharing application na TikTok.

Related gallery: TikTok Awards 2023 winners