GMA Logo Timmy Cruz
Celebrity Life

Timmy Cruz, childhood dream ang maging recording artist

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2024 6:41 PM PHT
Updated July 18, 2024 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Timmy Cruz


Alamin kung paano naabot ni Timmy Cruz ang pangarap niyang maging singer.

Aminado si '80s pop star at Widows' War actress na si Timmy Cruz na bata pa lang ay pangarap na niyang maging isang recording artist. Ngunit ayon sa kaniya, naging hamon sa pag-abot ng kaniyang pangarap dahil wala siyang koneksyon sa showbiz industry.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Timmy na hindi rin pabor ang kaniyang mga magulang sa pangarap niyang ito at sa halip ay gusto nilang pumasok siya sa business at law.

“Ang background ko business, law, then pupunta ako sa music, wala akong kakilala, walang kakilala absolutely. [It was a one-shot deal?] Yeah, bahala na, let's go, shoot for the moon,” paglalahad niya.

Kuwento ni Timmy, nagre-record siya noon para sa noontime variety show na Penthouse Live nang may lumapit sa kaniya at inalok siya ng kanta. Nalaman niya na ito ay si Mon Del Rosario.

“Sabi niya sa'kin, 'Pagkatapos ng recording, puntahan mo 'ko sa office.' It was the Greenhills Recording Studio. So I went to his office, tapos cassette, he played it, and then ganu'n pa lang, intro pa lang, and then I listened to the song, I don't know anything about songs, I just knew I wanted to sing [it],” aniya.

Hiningi niya ang kopya ng kanta para umano iparinig sa kaniyang manager na si Sandra Chavez. At gaya niya umano, intro pa lang ay sinabi na ng kaniyang manager, “This is the song for you.”

“Sabi ko sa kanila, kasi marami silang nakikinig, 'How do you know? You haven't even listened to the entire song?' 'This is the song,'” pag-alala niya.

Matapos nilang mapakinggan ang buong kanta, nagdesisyon silang palitan ang titulo nito mula “If you Only Knew,” at ginawang “Boy” na kilala ngayon bilang isa sa mga hit single niya.

Maraming nanonood na producer, manager, at critiques nang una niyang i-record ang kanta at maraming pagkakataon umano na pinapatigil siya at pinapaulit ang kanta.

“Then inside my mind, I was telling myself, 'Ano ba itong napasukan ko, parang ang hirap? Ano'ng nagawa mo, nandito ka na pero ang hirap. Kaya mo ba 'to?' sabi ko sa sarili ko. 'Kaya mo 'to, ito 'yung gusto mo,'” sabi niya.

Umabot daw ng five hours ang recording ng isang kanta dahil bawat mali ay kailangan niyang ulitin lahat. “I sat through five hours and then I went home, and I told myself, 'Whatever that was, it is the hardest thing that I've ever done.'”

Unang naging hit ang kaniyang kanta sa Davao at Cebu bago ito nakarating ng Manila. Ngunit nang dumating ito sa Manila, “My song was playing on the whole EDSA,” sabi niya.

“Goosebumps talaga, goosbumps. Then nagfa-flash back 'yung pangarap ko, kung paano ko gagawin, kung saan ako nanggaling, 'yung mga ganu'n,” paglalahad niya.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA MINANIFEST ANG KANILANG MGA PANGARAP SA GALLERY NA ITO:

Thankful din si Timmy sa pagiging grounded niya dahil marami umano ang humihila sa kaniya pababa.

“They were people who actually pointed fingers at me, telling me that 'You're not worth what you're going through, all this beautiful stuff that's happening to you, you're not worthy of it. We question it.'”

Dahil din dito, sinabi niyang naging mas-humble siya at nagtuloy-tuloy naman ang karera niya. Mula sa bagong single na “Joke Lang” hanggang sa alukin siya maging artista.

“So 'yun pala, meron pala, artista pala ako. So everything was unearthed,” kuwento niya.

Pakinggan ang buong interview ni Timmy rito: