GMA Logo Lucky in Love sa Tadhana
What's on TV

Tindero at vlogger, nagkamabutihan sa 'Tadhana: Lucky in Love'

By Bianca Geli
Published November 2, 2024 4:18 PM PHT
Updated November 2, 2024 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Lucky in Love sa Tadhana


Matulungin na tindero, naging instant online superhero dahil sa isang viral video na nakuhanan ng isang magandang vlogger

Sa Tadhana: Lucky in Love, dalawang sawi na galing sa magkaibang mundo ang mapapaglapit ng tadhana.

Dahil sa kabutihan ni Jepoy (Buboy Villar) sa isang buntis, na nakuhanan ng video ng magandang vlogger na si Mandy (Lexi Gonzales), magiging online superhero ang tindero.

Naging mas malapit ang dalawa at malalaman nilang parehas pala silang may masakit na karanasan sa pag ibig.

Sa kabila ng pagiging mapagmahal nina Jepoy at Mandy ay nagawa pa rin silang lokohin ng kani-kanilang mga kasintahan.

Kaya naman ang tadhana, tila pinagtagpo silang dalawa para bigyan ng kanilang happily ever after.

Pero ang kanilang natagpuang bagong pag-ibig, pilit guguluhin ng mga tao mula sa kanilang nakaraan.

Paano na ang happily ever after nina Jepoy at Mandy?

Mahanap na kaya nila ang kanilang lucky match?

Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Lucky in Love ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.