
Magbigay-galang, mga Ka-Bubble, sa ating R&B Titos na sina Tio Nilo (Michael V.) at Jay-Cool (Paolo Contis) dahil mapapanood na ngayong gabi (May 18) ang debut ng parody version song nila na 'Feeling'!
Papatunayan muli ng award-winning Kapuso comedian na si Michael V., kung bakit 'dasurb' niya ang title na "King of Parody Songs" with his hilarious version of Dionela and Jay R's hit single na 'Sining.'
Kahapon, May 17, ipinasilip na ng Bubble Gang ang teaser ng 'Feeling' kaya sa mga nabitin, tumutok na mamayang gabi sa Bubble Gang para sa full version na ito!
Sama-samang yayain ang buong barkada and maki-sing-along sa bagong parody ni Bitoy sa oras na 7:15 p.m., pagkatapos ng PBB Celebrity Collab Edition.
RELATED CONTENT: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to