GMA Logo Benjamin Alves
What's Hot

Titignan o titikman? Benjamin Alves, nag-halo-halo food trip sa 'KMJS'

By Jansen Ramos
Published April 14, 2023 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Benjamin Alves


Sa kanyang halo-halo food trip, tinikman ni 'Magandang Dilag' star Benjamin Alves ang dalawa sa sikat na halo-halo recipe mula Cavite at Laguna.

Paboritong pantanggal ng init ng mga Pinoy ngayong summer ang pagkain ng halo-halo. Bawat kanto sa Pilipinas, tiyak na may nagtitinda ng pampalamig na ito.

Isa na nga sa mga sikat na halo-halo ang bersyon ng Digman sa Bacoor, Cavite na paborito rin pala ng Magandang Dilag star na si Benjamin Alves na lumaki sa nasabing probinsiya.

Kaya naman sa kanyang halo-halo food trip sa Kapuso Mo, Jessica Soho na napanood noong April 9, hindi niya pinalagpas na tikman muli ang popular na cold dessert.

Verdict ng binansagang 'Titik Man,' "definitely titikman" ang Digman Halo-halo.

Sa nasabing episode ng KMJS, dinayo rin ni Ben ang San Pablo City sa Laguna para alamin ang paggawa ng isa pang sikat na recipe ng halo-halo mula sa Ben's Halo-Halo Ice Cream na gawa sa gelato ang ginagamit na yelo.

Titignan or titikman kaya ito ni Ben? Alamin sa video na ito: