GMA Logo Tito Abdul and Tito Marsy
Source: GMANetwork.com
What's on TV

Tito Abdul at Tito Marsy, hati pa rin sa TF kahit sa mga solo raket

By Aedrianne Acar
Published March 19, 2026 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

At Easter vigil, Pope Leo urges world not to grow numb to war
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Tito Abdul and Tito Marsy


Sikat na content creators na sina Tito Abdul at Tito Marsy, may ni-reveal sa 'Your Honor' tungkol sa diskarte nila sa mga raket .

Best friend goals na maituturing ang former Sanggang Dikit FR actors at content creators na sina Tito Abdul at Tito Marsy.

Naka-chikahan sila ng Your Honor hosts nitong Sabado (March 14) at dito na-reveal nila ang diskarte sa mga raket bilang internet personality.

Dating nakasama nina Chariz Solomon at Buboy Villar ang dalawa sa pelikula na Samahan ng mga Makasalanan na pinagbidahan nina David Licauco at Sanya Lopez.

Sa pagsalang nila bilang resource persons, natanong sila ni Chariz, “Nangyari na ba sa inyo na na-offeran kayo ng project na hindi magkasama?”

Tugon ni Abdul kay Madam Cha, “Well, actually meron talaga. May mga brands na isa lang ang pinipili sa amin. It's a tie talaga, may kumukuha talaga sa kaniya, pati sa akin.” “Kaso, may usapan kami nito na.”

Sabat naman ni Marsy, “Actually, lately lang namin napagusapan, napagkasunduan. Kasi, dati hindi kami tumatanggap ng isa lang 'yung kinukuha, so , medyo nagkakaroon ng problema sa TF (talent fee) ganun. E, siyempre mababa lang naman ng TF namin.

“So, nangyari pinagusapan namin na go na kami kahit isa lang kinuha sa amin. Pero same TF pa rin, idi-divide na lang.”

Tito Abdul and Tito Marsy

Source: Your Honor

“Kunwari, kinuha ako sabihin natin ng isang brand kahit wala siya dun. Ako lang 'yung kinukuhanan, 'yung makukuha kong TF paghahatian namin,” Dagdag na paliwanag ni Tito Abdul.

Mapapanood naman sa bagong family drama na Kamao ang dalawa na pinagbibidahan ng Pinoy Big Brother ex-housemate Anton Vinzon.

RELATED CONTENT: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars