GMA Logo tj monterde
Screenshot from i-Listen
What's Hot

TJ Monterde, binalikan kung paano nabuo ang hit song na 'Palagi'

By Aimee Anoc
Published August 28, 2026 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pediatric stroke: 3 stories of children who survived the condition
Farm to Table: (September 13, 2026) LIVE
Indonesia's top pet food brand enters PH market with certified, affordable nutrition

Article Inside Page


Showbiz News

tj monterde


Isa sa mga naging inspirasyon ni TJ Monterde sa musika ay ang pinsan niyang si Champ Lui Pio.

Binalikan ng singer-songwriter na si TJ Monterde kung paano niya nabuo ang hit song niyang "Palagi."

Sa pakikipagkuwentuhan kay Kara David para sa i-Listen, ikinuwento ni TJ nasa edad 13 lamang siya noong magsimulang magsulat ng kanta.

"Most probably 13, mga ganu'n. Batang mga random songwriting songs lang. Pero dati nag-start ako na DJ kasi ang daddy ko station manager. So, nagre-radio muna ako dati at 16.

"'Tapos, mga 18 years old ako, nag-TV host ako for regional, RNG, parang variety show, every Sunday. 'Tapos after college, 21, doon na ko nag-try coming to Manila, 2011."

Inalam din ni Kara kung paano nagsusulat ng kanta si TJ—kung nauuna ang melody o ang lyrics.

"It's always case to case po e," sagot ni TJ.

"Ako, masasabi ko sigurong sobrang dami kong melodies sa phone ko. Mayroon akong bank of melodies doon.

"I hum all the time. I hear random melodies. And I feel like, kunwari, randomly, ngayon nandito ako tapos biglang 'Uy ang ganda nito,' ire-record ko 'yon. Wala muna siyang laman.

"'Tapos, 'pag parang na-strike ako ng any, usually it's a line. When a line strikes me na parang, 'Oh my gosh! Ang ganda ng line na 'yon. I can make something out of it.'

Tulad na lamang ng sikat niyang awitin na "Palagi," ani TJ, ang word na nag-strike sa kanya ay "palagi."

"Palagi, talaga. Parang I was just looking for a word to celebrate 'yung isang milestone namin ni KZ [Tandingan, kanyang asawa] nung 2023. Ano bang puwede kong i-describe sa kanya? And I stumbled upon the word online na pinost ko na pala dati. Sinulat do'n, 'Nandito lang ako palagi,' parang ganu'n.

"So ang ginawa ko, I write 'palagi,' then I write words all over, phrases all over. Tapos parang jina-jumble ko, until it becomes like a poem. Tapos, I get my phone and look for a tool na mayroon, parang ganu'n 'yung process ko."

Dagdag pa ni TJ sa kanyang songwriting process, "'Pag nabuo ko na nang kaunti, of course, draft pa 'yon, hindi pa 'yon maganda. 'Pag nabuo ko na nang kaunti, nandoon na 'yung thought, I then get my phone and my guitar. Maghahanap ako, ito bagay 'to dito, then I match it.

"Kasi for me, songwriting is, it's the perfect marriage of melody and lyrics. Dapat 'yung nababaso mo sana as a songwriter, 'pag binasa ko siya at 'pag pinatugtog siya, same 'yung mararamdaman ko, sana ganu'n. So if you get the perfect marriage of lyrics and melody, napakagandang kanta non."

Kuwento ni TJ, minsan ay nagiging emosyonal siya kapag nakabubuo siya ng kanta.

"Minsan naiiyak ako sa sobrang... kasi naa-amaze ako. Until now, I've been in this business for quite a while, but naa-amaze pa rin ako sa creatives. 'Yung getting to create something out of nothing."

Naniniwala rin si TJ na sa tulong ng Diyos kung bakit nakakabuo siya ng magagandang awitin.

"Naa-amaze ako roon sa fact na 'yon na 'Wow! Grabe 'to. Parang, talaga? Kunwari nabubuo ko siya, tapos minsan nagsusulat ako, tapos ang ganda nung line, tapos sobrang bagay roon sa tono. Ako sa kwarto, 'Oh my God, ang ganda nun.' Gumaganon ako minsan.

"Tapos parang 'Lord, thank you.' Kasi naniniwala ako talaga rin na hindi ako 'yon. Until now, when I listen to my songs, 'Ako ba sumulat n'yan?' 'Yan, that feeling."

Related gallery: TJ Monterde concludes 'sarili nating mundo' at the Big Dome

Ni-reveal din ni TJ ang naging inspirasyon niya noon nang magsimulang sumulat ng kanta.

"May crush ako, doon talaga nagsimula. Doon naman talaga magsisimula lahat ng 'yon. 'Di ko naman ide-deny 'yon at saka 13 pa lang ako no'n," natatawang kuwento ng singer.

"Nagpabili ako ng guitar sa daddy ko kasi 'yung crush ko doon siya lumalapit sa naggigitara. Sabi ko, 'Hindi pwede 'to, dad... Bakit doon siya lumalapit?' 'Tapos, sabi ko sa daddy ko, 'Dad, baka pwede mo kong bilhan ng gitara?

"First gitara ko parang PhP600 from Cebu. Dinala pa ng daddy ko galing sa Cebu to [Cagayan de Oro]. 'Tapos, 'yon 'yung una kong inaral. 'Yung song hits, sa gitna may chords do'n e. Doon ako maggi-guitar tapos inaral ko. 'Tapos, na-feel ko lang parang kaya kong magsulat ng song pala."

Ayon kay TJ, isa sa naging inspirasyon niya sa musika ay ang kanyang pinsang si Champ Lui Pio, na vocalist noon ng bandang Hale.

"Dati talaga 'pag nandoon siya sa CDO, mall show nila, lagi niya akong ini-invite. Sobrang sikat nila, 2006, 2007. So 'pag napapanood ko siya noon, doon ko nafi-feel 'I wanna be like him.' Gusto kong maging ganito. Nagsusulat siya ng songs. Kinakanta niya 'yung originals niya sa mga tao. Sumasabay 'yung mga tao. I wanna be like this guy."

Para sa singer-songwriter, ang greatest dream niya ay ang kantahin ang sarili niyang awitin on stage.

"'Yung mga kantang isinulat ko sa kwarto, kakantahin ko on stage tapos alam siya ng mga tao...

"Mas writer ako talaga. 'Yung mga prayers ko talaga dati, 'Sana Lord if mag-guest ako sa TV show...' kasi dati pangarap ko talaga mag-guest sa mga TV show, 'Baka puwede maglambing ng original, 'yung mga kanta ko.' Parang feeling ko bala ko 'yung original songs ko.

"Kaya never ako sumali ng singing competition kasi I feel like 'di ako fit, na wala akong tiwala sa sarili ko as a performer, na parang 'pag singer feeling ko matatanggal ako agad, hindi ako matatanggap sa audition."

Tingin din ni TJ sa kanyang boses ay hindi pangkompetisyon. Sabi niya, "Enough lang siya for me to sing my songs, parang ganu'n 'yung tingin ko."

Panoorin ang buong interview ni TJ Monterde sa i-Listen sa video na ito: