
Sa ikaanim na linggo ng To Me, It's Simply You, sa pag-aasam na hindi na muling makakain ng mga insekto ang pananim na mga pipino, sinubukang gamitin ni Edward (Nadech Kugimiya) ang libreng insecticide na ibinigay sa kanya ng isang kabaryo.
Pero ang hindi alam ni Edward ay mapanganib na gamitin ang insecticide na ito sa mga pananim dahil bukod sa maaaring makontamina ang lupa ay makasasama rin ito sa kalusugan ng tao.
Nakaranas naman si Edward ng pagsusuka, pagkahilo, lagnat, at sakit ng ulo matapos na malanghap ang matapang na amoy ng insecticide at matapunan nito ang kanyang kamay.
Nang gumaling, agad na inamin ni Edward ang nagawang pagkakamali at humingi ng tawad sa kanyang ama at kay Vivian (Bow Maylada Susri). Siniguro rin ng binata na hindi nito nagamit ang insecticide sa mga pananim.
Dahil sa pagiging pabaya ni Edward ay napagdesisyunan ng mga kabaryo nito na huwag na muna siyang papuntahin sa sakahan.
Patuloy na subaybayan ang To Me, It's Simply You, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa To Me, It's Simply You:
To Me, It's Simply You: Vivian runs to rescue Edward | Episode 26
To Me, It's Simply You: Vivian discovers the truth about Edward's past | Episode 26
To Me, It's Simply You: Love makes your nose bleed | Episode 27
To Me, It's Simply You: Catching feelings | Episode 27
To Me, It's Simply You: Edward and the effect of his carelessness | Episode 28
KILALANIN ANG CAST NG 'TO ME, IT'S SIMPLY YOU' RITO: