
Sa ikapitong linggo ng To Me, It's Simply You, gumawa ng paraan si Vivian para bumalik ang amor ng mga kabaryo kay Edward (Nadech Kugimiya) matapos na subukan ng binata na gumamit ng matapang na insecticide para sa mga pananim nito.
Tagumpay ang plano ni Vivian dahil bukod sa napasaya niya ang mga kabaryo sa video ni Edward habang sumasayaw ay napatunayan din niya na hindi nakontamina ng mapanganib na insecticide ang kanilang sakahan.
Ikinagulat naman ni Edward ang pagiging mabait at sweet sa kanya ni Vivian nang tulungan siya ng dalaga na maglinis ng mga luya sa lawa. Hindi na rin maitago ni Vivian ang lihim na nararamdaman para sa binata sa tuwing nakakasama ito.
Samantala, palihim namang bumisita si Edward sa bahay ni Vivian para kamustahin ang dalaga matapos silang makaligtas sa masasamang lalaking humabol sa kanila at kapwa mahulog sa lawa.
Patuloy na subaybayan ang To Me, It's Simply You, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa To Me, It's Simply You:
To Me, It's Simply You: Vivian tricks Edward to a picnic | Episode 31
To Me, It's Simply You: The Edward effect | Episode 32
To Me, It's Simply You: How to make your man's heart flutter | Episode 33
To Me, It's Simply You: Chivalry is not dead | Episode 34
To Me, It's Simply You: Vivian and Edward unite to help a child | Episode 35
KILALANIN ANG CAST NG 'TO ME, IT'S SIMPLY YOU' RITO: