GMA Logo To the Moon and Back, James Jirayu Tangsrisuk, Jarinporn Joonkiat
What's Hot

'To the Moon and Back,' mapapanood muli sa GMA

By EJ Chua
Published November 3, 2025 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bomb threat halts work at Talisay City Hall
No jackpot winners in PCSO's April 28 major lotto draws
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

To the Moon and Back, James Jirayu Tangsrisuk, Jarinporn Joonkiat


Magsisimula na ang Thai romantic series na 'To the Moon and Back' ngayong November 3 sa GMA.

Nagbabalik ang romantic series na To the Moon and Back sa GMA Network.

Muling masasaksihan ng Pinoy viewers ang level-up na kilig scenes at moments ng mga bida sa Thai series na ito.

Mapapanood dito ang Thai stars na sina James Jirayu Tangsrisuk at Jarinporn Joonkiat.

Makikilala sila rito bilang magka-love team na sina Dr. Puree at Maja.

Ang istorya ng serye ay iikot sa buhay ng binata na nagmula sa isang mayamang pamilya at isang dalaga na nagmula naman sa isang simple ngunit masayang pamilya.

Ang binata ay sunud-sunuran sa kanyang ama, habang ang dalaga naman ay namumuhay ng may kalayaan at puno ng pagmamahal.

Kaabang-abang ang mga mangyayari sa pagtatagpo ng kanilang landas.

Ang To the Moon and Back ang isa sa mga seryeng tinangkilik sa Thailand noong 2023.

Una na rin itong ipinalabas sa Kapuso Network noong 2024.

Huwag palampasin ang pagsisimula nito, ngayong Lunes na, November 3, 11:30 p.m. sa GMA.