
Dismayado si Kapuso actor Tom Rodriguez nang malaman niyang may kumakalat na video sa internet na nagpapakita ng proseso ng kanyang paggawa ng diamond engagement ring niya para kay Carla Abellana.
Sa kanyang Instagram Story, inihayag ni Tom ang kanyang saloobin at sinabing hindi na niya ibabahagi ang nakalaang YouTube vlog niya para dito.
Aniya, “I was supposed to release my ring making video on YouTube today…
“But since someone already beat me to it and it's already all over YouTube and Instagram, I've decided to just keep the video for myself instead, and just savor and treasure the memories.”
Source: akosimangtomas (IG)
Maaalalang ikinuwento ni Tom na siya mismo ang nag-aral at gumawa ng diamond ring ni Carla sa tulong ng Radiant Lux Jewelry.
Ang engagement ring na ginawa ng aktor ay mayroong isang malaking diamond na pinalilibutan pa ng 12 eternity diamonds na sumisimbolo ng birthdate ni Carla na June 12.
Ani ng Kapuso actor kay 24 Oras reporter Nelson Canlas, “We weighed pa the gold, we melted it, and beat it to its shape hanggang sa ma-align.
“I shaped it to the ring form hanggang sa sizing it, polishing it, so it was quite an experience!”
Kuwento ng magkasintahan, nangyari ang proposal noong October 2020 at pansamantalang itinago muna nila dahil naging sensitive sila para sa maraming tao na nakararanas ng lungkot dahil sa COVID-19 pandemic.
Inanunsyo nina Carla at Tom ang kanilang engagement noong March 21, 2021 sa social media.
“A million times, YES,” sulat ng aktres sa kanyang Instagram account.
Samantala, saad ni Tom, “I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…”
Balikan ang kanilang relationship timeline sa gallery na ito: