GMA Logo toni fowler
Courtesy: titovinceflores IG
What's Hot

Toni Fowler, bakit piniling paliitin na ang dibdib?

By EJ Chua
Published August 20, 2026 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

7 sentenced to reclusion perpetua for kidnapping a 78-year-old woman
Four barangay execs in Iloilo ordered dismissed
Jessica Villarubin, Jong Madaliday, at Patricia Tumulak, magbabahagi ng hometown flavors sa 'Farm To Table'

Article Inside Page


Showbiz News

toni fowler


Bakit nga ba nagpa-breast reduction surgery ang content creator na si Toni Fowler? Alamin dito.

Isa sa naging topics ng netizens kamakailan lang ay ang pag-undergo ni Toni Fowler o Mommy Oni sa breast reduction surgery.

Sa isa sa latest episodes ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' o 'KMJS,' na-feature ang tungkol sa journey ni Toni mula sa pagpapalaki niya ng dibdib hanggang sa pagpapaliit nito.

Ayon kay sa content creator, taong 2016 nang sumailalim siya sa kanyang kauna-unahang breast augmentation surgery o pagpapalaki ng dibdib.

Kuwento niya, “After ko magkaroon ng baby, sobrang na-insecure ako. 'Yung ex ko, mayroon siyang tinitingnan sa Facebook… pagtingin niya sa FB sabi niya, “Ang sexy o,” “Luh? Sexy nga, pangit naman.” Sabi niya sa akin, “Ikaw, ang ganda mo nga, lawlaw naman dede mo,” nasaktan ako,” kuwento niya.

Dahil umano rito, nagpalagay si Toni ng silicone gel sa kanyang dibdib upang maging 38D ang sukat ng mga ito.

Kasunod ng paglaki ng kanyang dibdib, tila kinailangang mag-tiis ganda ni Toni at nang isinilang na niya ang kanyang second baby na si Tyrone na anak niya sa partner niyang si Vince Flores, mas naramdaman niya ang hirap ng pagkakaroon ng malaking dibdib.

Ayon kay Toni, matagal na rin naman sa kanyang katawan ang silicone gel, kaya't nagdesisyon na siyang ipatanggal ito.

“Sobrang hindi na ako makahinga… Ten years na 'yung silicone ko sa loob ng aking katawan. Expired na siya. Nag-decide talaga ako na ipatanggal,” sabi niya.

Nasa 200,000 hanggang 300,000 pesos ang halaga ng breast reduction surgery na ginawa kay Toni.

Kilala ang content creator bilang founder at leader ng ToRo Family na kilala sa paggawa ng reality shows at vlogs.

Samantala, bukod kay Toni Fowler, ilang Pinoy celebrities na rin ang nag-undergo ng breast reduction surgery.

Related gallery: Pinoy celebrities who had breast reduction surgery