
Buong pagmamalaki na ibinahagi ng TV host-vlogger na si Toni Gonzaga sa Instagram na muli siyang nakatapak sa dati niyang show na Eat Bulaga.
Ipinasilip ni Toni ang naging guesting niya sa longest-running noontime show kung saan makikita rin na kasama niya sina Bossing Vic Sotto at Henyo Master Joey de Leon.
Kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022 ang pelikula nina Toni at Joey na My Teacher.
Sabi sa caption ng aktres, “Nakabalik kung saan nagsimula. Thank you Eat Bulaga.”
Nag-comment naman sa post ni Toni ang long-time Dabarkad na si Allan K. Sabi niya, “Nice to see you again chudy ver”
Source: celestinegonzaga (IG)
Sa isang vlog noong 2018, ibinahagi ni Toni Gonzaga ang ilan sa mga natutunan niya ng maging bahagi siya ng Eat Bulaga.
Lahad niya, “Ang natutunan ko dati sa Eat Bulaga, ang hosting daw is presenting your personality and who you are to the world. It's presenting who you are, with conviction na dine-deliver mo 'yung what is asked of you to tell your audience.”
NARITO ANG ILANG CELEBS NA PROUD GRADUATES NG EAT BULAGA: