
Sobrang special at heartwarming ang latest vlogs ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang official YouTube channel.
Ipinasilip dito ni Toni ang mga naging kaganapan sa baby shower na talaga namang pinaghandaan niya para sa kapatid niyang si Alex Gonzaga.
Ayon sa host-actress, “Nangyari na ang baby shower na matagal ko nang ipinagdarasal para sa kapatid ko [Alex Gonzaga].”
Sa unang vlog na inilabas ni Toni tungkol sa baby shower, makikitang bukod sa pamilya nina Alex Gonzaga at Mikee Morada, present din sa special event ang ilang celebrities at mga kaibigan ng Gonzaga sisters sa showbiz.
Spotted sa baby shower ang mag-mommy na sina Marjorie at Julia Barretto, celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, at content creators na sina Cong Velasquez at Viy Cortez.
Dumalo rin dito ang fellow vlogger ni Alex na si Michelle Dy, aktres na si Mariel Padilla, buong pamilya ni Melai Cantiveros-Francisco, at iba pang showbiz personalities.
Samantala, bago ang pasilip sa baby shower, unang mapapanood sa vlogs ang ilang interview clips at kwentuhan tungkol sa mga naging karanasan noon nina Mikee at Alex bago nila natanggap ang blessing na mayroon sila ngayon.
Mababasa sa comments section ng vlogs ang pagbati at heartfelt reactions ng netizens tungkol sa pregnancy at baby shower.
Sa recent vlog naman ni Alex, ini-reveal ng vlogger-actress na na-bless siyang mabuntis nung lumipat sila ng asawa niyang si Mikee sa kanilang bagong bahay.
Related Gallery: Celebrities and personalities react to Alex Gonzaga's pregnancy
Matatandaang May 21 nung inanunsyo at kinumpirma ni Alex ang pregnancy nila ni Mikee na nangyari matapos ang halos anim na taon nilang marriage at tatlong miscarriages.
Related Gallery: Alex Gonzaga and Mikee Morada's sweetest photos