
Nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network ang aktres na si Carla Abellana ngayong araw, January 31.
Naiyak sa tuwa si Carla sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng GMA na sampung taon na niyang home network.
Carla Abellana cries tears of joy as she renews ties with GMA Network
"Tears of joy, tears of excitement. Sana magtuloy-tuloy lang ang good working relationship. I will always do my best. Siyempre, 'yung ganitong opportunity hindi pwedeng sayangin. Bawat chance na may trabaho, gawin lang 'yung best talaga," emosyonal na pahayag ni Carla.
Pati si GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, natutuwa din sa pananatili ni Carla bilang isang Kapuso.
"Ang GMA, very thankful din. Kapag 'yung isang artist ay patuloy na nagtitiwala sa iyo, lalo na at dito ang umpisa and you renew your ties, siyempre pati ang GMA galak na galak," aniya.
Dagdag din niyang may mga proyektong nang inihahanda para kay Carla, kabilang ang isang teleserye.
"Hindi ko pa 'yun pwedeng i-disclose pero nagmi-meeting na kami kung ano 'yung magandang [project]. Siyempre, soap ang gagawin niya dahil alam naman natin na napaka galing niyang artista, very versatile. We are already planning the soap that she will star in," pahayag ng GMA executive.
IN PHOTOS: Carla Abellana in tears as she renews ties with GMA Network
Ipinagdiriwang din ni Carla ngayong taon ang kanyang ika-sampung taong sa show business. Huli siyang napanood sa Pamilya Roces na katatapos lang noong Disyembre nang nakaraang taon.