GMA Logo Topper Fabregas
What's Hot

Topper Fabregas, 'honored' na makatrabaho si Jaclyn Jose sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published February 26, 2021 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over PH on Tuesday
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Topper Fabregas


Topper Fabregas on working with Jaclyn Jose: “Of course, kinabahan ako. Until the last take, 'di nawala nerves ako.”

Ang theater actor, director at The Lost Recipe star na si Topper Fabregas ay gaganap bilang isa sa mga anak ni Jaclyn Jose sa nakakaantig na episode ng bagong Wish Ko Lang na pinamagatang "Sa Piling ni Nanay."

topper fabregas

Theater actor, director and 'The Lost Recipe' star Topper Fabregas / Source: @topperwhere (IG)

Sa nasabing episode, isang anak na nalulong sa masamang bisyo ang gagampanang papel ni Topper. Ang Cannes Film Festival 2016 Best Actress na si Jaclyn Jose naman ang gaganap bilang kanyang ina na matagal na panahong nawalay sa kanyang pamilya matapos magtrabaho bilang domestic helper sa Qatar.

topper fabregas jaclyn jose chanel latorre

Sina Topper Fabregas, Jaclyn Jose at Chanel Latorre / Source: Wish Ko Lang

Pag-uwi ng karakter ni Jaclyn Jose sa Pilipinas, madidiskubre niya na ang naging kapalit ng pagsasakripisyo niya sa ibang bansa ay ang pagkakasira ng kanyang pamilya.

Malayo na ang loob ng kanyang mga anak sa kanya at ang kanyang asawa naman ay may kinalolokohan pa lang ibang babae.

Kasama rin sa cast ng "Sa Piling ni Nanay" episode sina Crystal Paras, Chanel Latorre, Mia Pangyarihan at Vic Romano.

crystal paras and topper fabregas

Sina Crystal Paras at Topper Fabregas bilang magkapatid sa 'Sa Piling ni Nanay' / Source: Wish Ko Lang

Ayon kay Topper, maganda raw ang naging shooting experience niya kasama ang kanyang co-stars, sina Direk Rommel Penesa at ang bagong Wish Ko Lang team.

Ani Topper, “It was a great learning experience for me. Mabilis 'yung shooting style ng WKL and maraming eksena 'yung character ko dito.

“I had to learn how to adjust agad and always be on my toes. Pero ang bait at gaan lang ni Direk Rommel.

“And he knows what he wants right away, mabilis 'yung pace niya so I really just had to follow and trust his instructions.”

topper fabregas and jaclyn jose

Isa sa mga eksena nina Topper Fabregas at Jacly Jose / Source: Wish Ko Lang

At ang highlight ng kanyang acting experience sa bagong Wish Ko Lang ay ang makaeksena ang nag-iisang Jaclyn Jose.

Kuwento ni Topper, “Of course, kinabahan ako. Until the last take, di nawala nerves ako. She's one of our top actresses and I wanted to try to hold my own and be as prepared as I could.

“She's a very generous actress. 'Action' pa lang, 100 percent na siya and I just had to be as present and honest as I can sa mga scenes namin.

“It really was an honor getting to share the screen with her.”

Dagdag pa ni Topper, tiyak marami ang makaka-relate sa istroyang tampok sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado.

“Intense siya but still every heartwarming. Pinapakita niya talaga 'yung mga pinagdadaanan ng mga OFWs natin. Hopefully, we learn to appreciate them more after watching this episode.

“Marami rin makaka-relate because it also touches on the complicated relationship between parent and child.”

Alamin kung paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales ang pamilyang tampok ang kuwento sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

RELATED:

Wish Ko Lang: Kasambahay, itinali sa basement at ginawan ng kahalayan ng amo!