GMA Logo Amazing Earth centenarian tour guide
What's on TV

Tour guide na centenarian, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published March 16, 2023 6:53 PM PHT
Updated March 17, 2023 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth centenarian tour guide


Ngayong March 18, ipakikilala ni Dingdong Dantes ang tour guide na centenarian na si Lolo Ite sa 'Amazing Earth'

Isang bagong kuwento ang ibabahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth ngayong March 18.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Sa darating na Sabado, ipakikilala ng Kapuso Primetime King ang tour guide na centenerian na si Zoilo Gerones o Lolo Ite. Si Lolo Ite ay ang 102-year-old Dumagat na tour guide na naka-survive sa World War II at magbabahagi ng kuwento ng mythical Yamashita treasure.

Babalikan rin natin sa Sabado ang kuwento ng tatlong Pinay na nagtatrabaho sa Svalbard, Norway na sina Chena, Khaina and Angie para bigyan tayo ng tour sa remote Arctic islands.

Tampok rin sa Sabado ang mga kaabang-abang na kuwento mula sa Bomanbridge Media's nature documentary na "Speed Kills: Dark Underworld."

Subaybayan ang episodes ng Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network.

BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: