GMA Logo Marian Rivera Dingdong Dantes
Source: Screenshot from Star Cinema (YouTube)
What's Hot

Trailer ng comeback film nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, inilabas na

By Jimboy Napoles
Published November 14, 2023 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte no hand in Madriaga ‘death threat’ —lawyer
Farm To Table: Cooking collab at reunion!
DepEd assures support for OFW teachers returning from Middle East

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera Dingdong Dantes


Napanood n'yo na ba ang unang pasilip sa comeback film ng DongYan?

“Hala! Teaser pa lang naiyak na'ko!”

Ito ang isa sa mga naging komento ng netizens sa inilabas na first teaser sa comeback film ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Rewind.

Sa naturang teaser, mapapanood ang tila pagiging struggling couple ng mga karakter nina Dingdong at Marian kung saan ipinakita ang kanilang mga pinagdaraanan na tila mahahantong sa isang malaking problema na magiging twist ng pelikula.

“Life is short, shorter than you think,” saad pa sa teaser.

RELATED GALLERY: Dingdong Dantes, Marian Rivera marry again?

Sa isang panayam, sinabi ni Marian na wala siyang naging dahilan upang hindi tanggapin ang pelikula.

Aniya, “Parang wala namang dahilan to say, 'No.' Ka-partner ko pa 'yung asawa ko. For thirteen years, parang ito 'yung comeback namin kaya I'm very excited.”

Dagdag naman ng kanyang mister na si Dingdong, “Napaka-special sa akin ng project na 'to kasi makakasama ko ang aking misis. Pero, higit sa lahat sa mensahe ng pelikula na gusto naming ipalabas. Ito'y tungkol sa mag-asawa, sa konteksto ng pamilyang Pilipino sa panahon ng Kapaskuhan.”

Hirit pa ni Marian, “Kapag pinanood niyo ang pelikulang ito, talagang lalabas ng sinehan na iiyak talaga sila but at the same time, yayakapin nila ng buong-buo ang pamilya nila.”

“Hala! Teaser pa lang naiyak na 'ko! This will surely be a blockbuster!” komento ng isang netizen.

“Ngayon pa lang! Congratulations Marian and Dingdong! Grabe sobrang ganda,” saad pa ng isang fan.

“Nakaka-goosebumps. Mukhang babaha ng luha,” dagdag naman ng isang netizen.

Ang Rewind ay collaboration movie ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Pictures. Ito ay mapapanood sa December 25, kasama ang iba pang entries sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Samantala, napapanood naman ngayon si Dingdong bilang host ng Kapuso weekday game show na Family Feud, The Voice Generations, at Amazing Earth.

Naghahanda na rin si Marian para sa kanyang pagbabalik-teleserye na Against All Odds kasama sina Gabby Concepcion at Max Collins.

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong 2014. Sila ay may dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Para sa iba pang showbiz updates, bistahin ang GMANetwork.com.