What's on TV

Teaser ng 'Maging Sino Ka Man,' pinusuan ng netizens!

By Jansen Ramos
Published August 29, 2023 1:10 PM PHT
Updated September 5, 2023 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco in maging sino ka man


Titigan pa lang nina Barbie Forteza at David Licauco sa trailer ng 'Maging Sino Ka Man,' marami na ang kinilig!

Hindi magkamayaw sa kilig at tuwa ang netizens nang mapanood ang teaser ng upcoming series nina Barbie Forteza at David Licauco na Maging Sino Ka Man.

Noong Huwebes, August 24, ini-release online ang bagong teaser ng programa na talaga namang pinusuan ng BarDa fans.

Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 700k views sa official Facebook page ng GMA Network.

Ipinakilala sa teaser ang mga karakter nina Barbie at David na lalabas bilang Monique at Carding. Nilapatan ito ng instrumental ng classic OPM song na "Maging Sino Ka Man" na nakadagdag ng karisma sa BarDa.

Bumungad sa teaser si Monique na sumasayaw habang lasing sa isang bar. Sinundan nito ng paglabas ng maangas na si Carding, na tila naghihintay ng kaaway.

Tampok din dito ang Maria Clara at Ibarra co-star nilang si Juancho Trivino na gaganap bilang Gilbert.

Ipinakita na rin si Belinda, ang nanay ni Monique, na gagampanan ni Jean Garcia.

Sa teaser, ipinasilip din ang pagdi-disguise ni Monique bilang Dino.

Sa dulo ng teaser, mapapanood ang pagkikita nina Monique at Carding na nagtitigan sa bar matapos makipagbugbugan ang huli.

Kinakiligan naman ang mga eksena ng BarDa sa bagong teaser ng Maging Sino Ka Man.

"Yung titigan talaga grabeeeeeee....," komento ng Facebook user na si Jhonnalyn Cando Carranza.

"Mukha gagalitin mo na naman kami Padre Salvi" ang sabi naman ni Danise Amano matapos mapanood ang mala-kontrabidang dating ni Juancho sa teaser.

Sa kabuuan, marami na ang excited sa pagpapalabas ng Maging Sino Ka Man dahil sa chemistry nina Barbie at David, na unang binansagang FiLay.

Ang Maging Sino Ka Man ay TV adaptation ng 1991 film na may parehong pamagat na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Kabilang din sa cast ng TV adaptation ng Maging Sino Ka Man sina Faith Da Silva, Rain Matienzo, at si Cinemalaya 2023 best actor Mikoy Morales.

Mapapanood din dito ang mga batikang artista na sina ER Ejercito, Jeric Raval, Jean Saburit, Juan Rodrigo, at Antonio Aquitania.

Magkakaroon naman ng special participation sina Al Tantay at Tonton Gutierrez sa upcoming Kapuso series.

Mula sa direksyon ni Enzo Williams, ang Maging Sino Ka Man ay isang special limited series.

Ipapalabas ito ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.