GMA Logo Joyce Ching
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Trailer ng pagbibidahang episode ni Joyce Ching sa 'Wish Ko Lang,' umabot na sa 3.1M views

By Aimee Anoc
Published April 27, 2023 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dawn rain floods areas in Banga, Aklan
PVL: Galeries Tower acquires Aiza Maizo-Pontillas in major roster shakeup
In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 1)

Article Inside Page


Showbiz News

Joyce Ching


Bibigyang-buhay nina Joyce Ching at Dave Bornea ang kuwento ng mag-asawang Chit at Buboy sa "Wish Ko Lang: Marites" ngayong Sabado sa GMA.

Kasalukuyang mayroong mahigit 3.1 million views sa Facebook ang trailer ng bagong episode ng Wish Ko Lang na pagbibidahan nina Joyce Ching at Dave Bornea.

Tampok sa "Wish Ko Lang: Marites" ang kuwento ng mag-asawang Chit (Joyce) at Buboy (Dave) na naperwisyo ang buhay dahil sa mga marites nilang kapitbahay.

Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, kahit na mahirap ay pinili ni Buboy na magtrabaho sa barko at pansamantalang iwan ang asawang si Chit para maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ilang buwan ang nakalipas ay napansin ng mga tsismosang kapitbahay ni Chit ang pagtaba niya at ipinagkalat ng mga ito na nabuntis siya ng ibang lalaki.

Makakasama nina Joyce at Dave sa bagong episode sina Brianna Bunagan, Viveika Ravanes, Christian Antolin, Tabs Sumulong, Tess Bomb, at Bernie Batin.

Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Marites" ngayong Sabado, April 29, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG MASAYANG MARRIED LIFE NI JOYCE CHING SA GALLERY NA ITO: