
Tampok sa bagong episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ni Jessica, isang babae na nakadiskubre na may anim pang karelasyon ang kanyang nobyong si Jay-ar.
Bibigyang-buhay ni Shaira Diaz ang kuwento ni Jessica at gagampanan naman ni Akihiro Blanco ang nobyo nitong si Jay-ar sa "Wish Ko Lang: Pitong Babae!"
Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang na mayroon na ngayong 2.9 million views sa Facebook, napilitang sumama si Jessica at makitira sa bahay ng nobyo nitong si Jay-ar nang mawalan ito ng tirahan.
Pero ang hindi alam ni Jessica, hindi lang siya ang nag-iisang girlfriend ni Jay-ar dahil pagdating niya sa bahay ng nobyo, nakilala niya ang anim pa nitong mga karelasyon.
Makakasama nina Akihiro at Shaira sa bagong episode sina Maui Taylor (bilang Tracy), Rosmar Tan (bilang Rachel), Mara Alberto (bilang Abby), Claire Castro (bilang Libay), Angel Leighton (bilang Maita), Elle Ramirez (bilang Joana), at Jay Arcilla (bilang Badong).
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Pitong Babae!" ngayong Sabado, May 6, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI SHAIRA DIAZ SA GALLERY NA ITO: