GMA Logo Faith Da Silva training for Flammara role
What's on TV

Training ni Faith Da Silva para sa 'Sang'gre,' isang paraan para patunayan ang sarili

By Kristian Eric Javier
Published March 22, 2024 2:06 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva training for Flammara role


Handang-handa na si Faith Da Silva para sa nalalapit nilang fantasy series na 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Patuloy na ang paghahanda ng Sparkle star na si Faith Da Silva para sa fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Ayon sa aktres, kahit mahirap at mabigat ang training na ginagawa nila ay paraan naman ito para mapatunayan niya ang sarili.

Sa interview ni Faith sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi niyang mas grabe na ang preparation na ginagawa nila ngayon kumpara noong una. Ngunit kahit ganoon, ayon sa kaniya, ay nararamdaman din niang unti-unti na itong gumagaan.

“Kumbaga, kasi moving forward lang palagi and also, mas nakikilala ko yung mga co-stars ko. And mas nagkakaroon ako ng kumpiyansa and trust sa isa't isa. So parang, kumbaga, mas dumadali siya kahit pa paano,” sabi niya.

Nagsasanay na ngayon si Faith, kasama ang kaniyang mga co-stars na sina Bianca Umali, Angel Guardian, at Kelvin Miranda ng wushu bilang paghahanda para sa kanilang fight scenes. Bukod pa rito ay personal na nagte-training din siya ng Filipino martial art na arnis.


Isa pang sinasanay nila ngayon ay ang paghawak at paggamit ng isang espada.

“Pero kasi pag dumating na sa taping talaga, mas mabigat yung sword talaga namin. So, as early as now, sinasanay na din kahit papaano talaga yung sarili na to handle a sword,” sabi niya.

RELATED CONTENT: TINGNAN ANG HOTTEST SWIMSUIT PHOTOS NI FAITH SA GALLERY NA ITO:


Dagdag pa ni Faith ay halos araw-araw din siya nagpupunta sa gym para mas lumakas ang kaniyang katawan at ma-improve ang kaniyang stamina.

Dahil mahirap nga ang training at hindi biro ang kanilang preparasyon, natanong din si Faith kung ano ang dahilan kung bakit hindi siya tumitigil at ang sagot ng aktres, “Siguro kasi yung pagte-training naman namin, it doesn't just help me with work eh. It also allows me to see myself or to prove myself of how strong I am talaga physically.”

“I have always been active, noon pa lang naman. Pero, yun nga, dahil may work, nagkakaroon talaga ng time na hindi ka makakapaglaan ng time for training. Pero ngayon, na-happy ako kasi, aside from it keeps me going, yung endorphins ko siyempre, na-re-release,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, na kailan lang ay ni-launch bilang parte ng Sparkle 10, “Also, mas maganda din, di ba? Dahil alam naman natin na ang body na meron tayo or especially those who really work out, yun naman ay nakukuha natin, or yung body natin ay product ng ating paghihirap, ng ating hard work.”

Pakinggan ang buong interview ni Faith Da Silva dito: