
Isang bagong simula ang hatid ng Wish Ko Lang sa isang transwoman na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang ama at dating nobyo.
Nasaksihan noong Sabado ang kalbaryo na sinapit ni Miss Meggy (Nathan Lopez) mula sa dating nobyo (Kristoffer Martin) kung saan nagawa pa siyang isilid sa sako matapos ang paulit-ulit na pambubugbog.
Sa ngayon, tanggap na ng ama ni Miss Meggy ang tunay niyang pagkatao at patuloy silang humuhugot ng lakas sa isa't isa matapos na pumanaw ang ina nito dahil sa sakit sa bato.
At para tuluyang maka-recover mula sa trauma na pinagdaanan, handog ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales ang libreng therapy sessions para kay Miss Meggy.
Kasama naman sa negosyo packages na ibinigay ng programa ang shawarma business, frozen ice scramble business, gourmet tuyo business, beauty skin care business, at RTW clothes business.
Mayroon ding regalong sala set, digital tv, at air purifier ang Wish Ko Lang para sa pangarap na living room setup nina Miss Meggy at ng kanyang ama.
Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng programa para sa mag-ama.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa "Pagdurusa ni Milagros" episode ng Wish Ko Lang.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: