TV

How does 'Bubble Gang' talk to the millennials?

By AEDRIANNE ACAR
 
Namana ni Boy II Quizon ang talent ng lolo niya, ang tinaguriang King of Comedy na si Dolphy. 
 
Bilang isa sa mga veterans ng longest running at most awarded comedy gag show ng bansa, Bubble Gang, panalo ang mga hirit niya sa bawat sketch na napapanood natin every Friday night. 
 
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Boy II, sinabi niya na laging nasa isipan ng mga taong bumubuo ng Bubble Gang na mag-enjoy sa lahat ng ginagawa nila. Habang tumatagal sila sa ere ay mas pinagtutuunan nila ng pansin kung paano mapapanatiling interesado ang mga kabataan sa kanilang show.
 
Saad ng Bubble Gang star, “Sa amin parang our main task here is to have fun as a group and to do what it takes for us to be able to bring more things on the table in terms of ‘yung siyempre ‘yung mga kabataan ngayon.

"We have to make sure na wow humaba na ng ganito ibig sabihin ‘yung generation natin baka ‘eto na ‘yun alam mo ‘yun. How do we make sure now na ‘yung mas bata sa batang ‘to masapul pa natin.”
 
Hindi na rin daw nila iniisip 'yung competition with thw other network's show.
 
Importante raw na makita sa harap ng camera na solid sila as a group and their audience gets to realize na that’s their recipe for success.
 
“'Yung key namin is to have fun, not really thinking about whether kung ano ‘yung show na katapat namin.”
 
“Technically it’s not our job, its more on having fun, making sure na 'pag nanood sila ng Bubble Gang they would feel na it’s a gang. ‘Yung talagang makikita mo ‘Ay kaya siya tumakbo ng matagal, it’s because of that.' They're having fun [offcam] you know, not just in front of the camera.”